^

Metro

‘Manila’s Finest’, ibabalik ko -- Estrada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na kanyang ibabalik ang ‘Manila’s Finest’ kung saan nakasalalay ang  kredibilidad at kahusayan ng kapulisan ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Estrada, kailangan lamang  ng mga pulis na sundin ang kanilang  sinumpaang tungkulin at maging tapat sa publiko. Paliwanag ni Estrada,  da­pat na sebisyuhan ng mga pulis ang Manilenyo na magpapatunay ng kanilang galing at pagbibigay respeto sa mga nanganga­ilangan.

Giit ni Estrada, nais niyang ilayo ang mga pulis sa anumang iligal na sugal na nagiging dahilan upang maging corrupt. Subalit nga­yon aniya,  maraming sangkot na pulis sa iba’t ibang  uri ng krimen, anomaly at sugal. Layon din  ni Estrada na maibsan ang insidente ng  carnapping kung saan isa sa mga nangunguna umano ang  Maynila.

Ito aniya ang dahilan kung kaya’t naglunsad ang MPD ng  kanilang facebook account  hinggil sa mga na­wawalang sasakyan. Sa ilalim ng  FB account ng MPD Anti Carnapping na pinamumunuan ni Sr. Insp. Rosalino Ibay, maaari nang malaman ang status ng  sa­sakyang nawawala.

Ang FB account at Manila CRAV o Carnapped, Re­covered, Abandoned Vehicles.

vuukle comment

ABANDONED VEHICLES

ANTI CARNAPPING

AYON

CARNAPPED

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

ROSALINO IBAY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with