^

Metro

ID system ipatutupad sa North cemetery

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipatutupad ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang ID System kung saan ma­­pagkakalooban ang ma­higit 5,000 residente at care­takers sa loob ng naturang kampo santo upang makilala ang mga lehitimong mamamayan na naninirahan doon.

Ayon kay MNC Director Rafael “Raffy” Mendez, layon ng pagpapatupad ng  ID System na mapabilis na  ma-trace ang mga tao na naninirahan sa loob ng sementeryo lalo na ang mga maliligaw na masasamang loob o “wanted person” na ginagawang taguan ang naturang lugar.

“Mabilis naming mate-trace ang pagkakakilanlan ng mga residente at careta­kers dito sa MNC kapag na­i­patupad na ang ID System lalo na ang mga may kaso na nagtatago dito dahil isa sa mga requirements namin bago kumuha ng ID ay ang kanilang police clearance at barangay clearance.” ani Mendez.

Iginiit ni Mendez na libre na ipamamahagi ang ID sa mga residente at caretakers sa loob ng MNC. Kasabay nito, sinimulan na ding lagyan ang mga nitso ng nu­mero sa mga “Apartment style” ng naturang kampo santo na siyang magsisilbing “number address” upang mas mabilis na mahanap ng mga kaanak ang kanilang puntod.

Samantala, aminado si Mendez na matatagalan ang pagpapa-computerize ng listahan ng mga pangalan na nakalibing sa MNC dahil sa kakulangan ng computer ngu­nit sinigurado naman nila na isang buwan bago ipag­diwang ang Undas ay matatapos na nila ito.

“Sumulat na kami sa lokal na pamahalaan upang mapagkalooban pa kami ng dalawa pang sets ng computers dito sa aming opisina upang mapabilis ang proyekto naming compute­rization,” dagdag pa ni  Mendez.

AYON

DIRECTOR RAFAEL

IGINIIT

IPATUTUPAD

KASABAY

MANILA NORTH CEMETERY

MENDEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with