20 bahay naabo sa sunog
MANILA, Philippines - Naabo ang humigit kumulang P.6 milyong halaga ng mga ari-arian makaraang matupok ng apoy ang 20 kabahayan kahapon ng umaga sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Ayon sa inisyal na pagsiÂsiyasat ng Quezon City Central Fire Department, nagsimula ang sunog sa bahay ni Kristalyn Cambay, 22, sa Mapagbigay St., Brgy. PinyaÂhan ganap na alas-7:22 ng umaga.
Ayon kay Fire Officer 2 Jovelyn Panganiban, imbestigador, mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan dito.
Dagdag pa niya, nagsiÂmula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Cambay, partikular sa kisame nito.
Agad namang rumesÂponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog sa lungsod kung kaya naagapan ang pagkalat nito.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, bago tuluyang ideklarang fire-out ganap na alas-8:12 ng umaga.
Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa naÂturang insidente.
Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoÂridad kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Ricky T. Tulipat with Ma. Juneah Del Valle-trainee)
- Latest