Fil-Australian singer inireklamo ng trespassing
MANILA, Philippines - Inaresto ng Mandaluyong City Police ang Fil-AusÂtralian singer-actor na si Chris Cayzer makaraang ireklamo ng isang residente ng conÂdominium building ng “trespassing†at “physical inÂjuries†dahil sa puwersahan umanong pagpasok sa kanyang unit, kamakalawa ng gabi.
Si Chris Cayzer ay si ChrisÂtopher Ashley Luke Cayzer sa totoong buhay, 26, tubong Brisbane, Australia at panÂsamantalang nanunuluyan sa Unit 303 J&P Apartelle sa Sampaloc, Maynila.
Sa reklamo ng isang 31-anyos na babae, dakong alas-7:30 kamakaÂlawa ng gabi nang nagtangkang pumasok sa kanyang unit sa Eugenio Bldg., Tivoli Garden Residences, Brgy. Hulo, si Cayzer. Nagawang mabuksan umano ni Cayzer ang lock ng “screen door†ngunit naagapan ng babae na nakipagtulakan kay CayÂzer upang hindi ito makaÂpasok sanhi upang masugatan siya sa braso hanggang sa magawa nitong maikandado ang “main doorâ€.
Nang bigong makapasok sa naturang condo unit, pumasok naman umano si Cayzer sa katapat na unit, umupo sa sofa na parang may-ari ng bahay at nanood ng teleÂbisyon habang nasa loob ang dalawang bata at isang kasambahay.
Agad namang humingi ng saklolo ang babae sa security guard ng condo building. Inabutan ng sekyu na si Carmelo Magdale si Cayzer na nanonood ng telebisyon, kanya itong pinakiusapan at sumama naman umano nang mahinahon.
Sa loob ng istasyon, sinabi ni Cayzer na hinahanap lamang niya ang kanyang kaibigan habang itinanggi na puwersahan siyang nagpumilit sa naturang unit. Wala umano siyang maalala na nakikipagtulakan siya at sumisigaw. Sa kabila nito, humingi ito ng dispensa sa kanyang mga naagrabyado.
- Latest