^

Metro

NCRPO naka-full alert na para sa SONA

Joy Cantos, Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasailalim ngayong araw ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa full alert status ang lahat ng kanilang tauhan bilang pag­hahanda sa seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Noynoy Aquino sa darating na Lunes.

Ito ang inihayag ni NCRPO Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr., dahil sa inaasahang kaguluhan matapos na hindi bigyan ng permit to rally ng pamahala­ang lungsod ng Quezon ang mga militanteng grupo para magsagawa ng de­mons­ trasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sinabi ni Garbo na ma­ higpit na ipatutupad ang “no permit, no rally policy” ng pulisya kung saan hindi papayagan ang mga militante na magsagawa ng kilos-protesta malapit sa Batasang Pambansa.

Ngayong Biyernes pa lamang, magpapakalat na sila ng mga tauhan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at sa paligid ng Batasan Pambansa bilang bahagi ng kanilang ikakasang se­guridad.

Tiniyak naman ni Garbo na patuloy nilang ipatutupad ang “maximum tolerance” sa mga raliyista at igigiit na hindi sa kanila manggaga­ ling ang anumang kaguluhan.

Samantala, may  500 ding mga sundalo ang nakahanda para tumu­long sa puwersa ng pu­lisya para mangalaga sa seguridad sa SONA.

Ito ang inihayag kahapon ni AFP-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col Ramon Zagala II, naka-standby na ang nasabing isang batal­yong sundalo para sa karagdagang deployment sa SONA.

Ayon kay Zagala, ay isang contingent na ng mga sundalo kabilang ang K9 units at Explosives Ordinance Division (EOD) team ang nauna nang naatasang tumulong sa pulisya para supilin ang mga posibleng karahasan sa pag-uulat sa bayan ng punong ehe­kutibo.

BATASAN PAMBANSA

BATASANG PAMBANSA

CHIEF LT

CHIEF SUPT

COL RAMON ZAGALA

COMMONWEALTH AVENUE

EXPLOSIVES ORDINANCE DIVISION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with