Kelot itinumba sa Pasay
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang salarin habang naglalaro ng iligal na sugal na video-karera sa lungsod ng Pasay kahapon ng madaling-araw.
Nasawi sa loob ng San Juan de Dios Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 baril ang 34-anyos na si Nemencio Matutino, alyas “Tugisâ€, ng Block 6 Lot 7 Saint Francis St., Brgy. Maricaban, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang panibagong krimen sa lungsod dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa isang puwesto ng video karera sa may St. Francis St.
Nagsusugal ang biktima nang lapitan ng isang lalaki at sunud-sunod itong paputukan ng baril saka mabilis na tuÂmakas. Ayon sa isang saksi, posibleng kakilala ni Matutino ang salarin dahil sa nagsalita pa ito ng “Jo, huwag…,†bago ito pinagbabaril.
Inamin naman ng live-in partner ng biktima na si Leticia Sandoval, 37, sa mga imbestigador na sangkot sa mga iligal na aktibidad ang kanyang kinakasama, partikular ang pagbebenta umano ng illegal na droga kaya’t posibleng ito umano ang motibo sa pamamaslang.
Nabatid na may “warrant of arrest†ding kinakaharap ang suspek na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court ukol sa kasong frustrated murder at may kinakaharap din itong kaso ng pagnanakaw.
Nagtataka naman ang pulisya dahil sa nang rumesponde ang mga imbestigador ay nalinis na ang lugar ng krimen at wala na rin ang sinasabing makina ng video-karera. Iniwan umano ng mga naglinis ang limang basyo ng bala ng kalibre .45 na ginamit ng salarin sa pamamaslang.
- Latest