^

Metro

Babae inangkas muna bago itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi nakikilalang babae ang nasawi makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sakay ng motor­siklo sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police, inilarawan lamang ang biktima sa edad na 20-25, may taas na 5-5’2, nakasuot ng itim na blouse at maong na pantalon.

Inaalam naman ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin na pawang sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Rado St., Interville Subdivision, Brgy. San Agustin, ganap na alas-10 ng gabi.

Ayon sa mga nakakitang mga bata, naglalaro sila ng taguan malapit sa lugar nang mapuna nila ang isang motorsiklo na walang plaka at sakay ang babaeng biktima.

Kasunod umano ng nasabing motorsiklo ang isa pang motorsiklo na naka­hinto ilang metro ang layo sa unang motor. Ilang sandali, bumaba umano ang biktima sa motorsiklo hanggang sa makarinig na lang ang mga kabataan ng dalawang putok ng baril at pagkatapos ay siyang pag-alis ng dalawang motorsiklo ng mga suspect.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo na siyang ikinamatay nito.  Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo ng pamamaslang.

AYON

BRGY

ILANG

INAALAM

INTERVILLE SUBDIVISION

QUEZON CITY POLICE

RADO ST.

SAN AGUSTIN

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with