2 lider ng Ozamis holdup gang, tiklo
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga opeÂratiba ng Police Regional Office (PRO) IV-A at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang lider ng notoryus na Ozamis robbery/holdup gang sa follow-up operation sa Dasmariñas City, Cavite, ayon sa ulat kahapon.
Iprinisinta sa mga maÂmamahayag sa Camp Crame ang mga nasakoteng sina Ricky “Kambal†Cadavero, lider ng Ozamis robbery/holdup gang at ang sub-leader ng grupo na si Wilfredo Panogalinga Jr., 34.
Ayon sa ulat, ang mga suspect ay nadakip kamaÂkailan sa Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City, Cavite ng mga operatiba ng PRO-IV-A sa pamumuno ni Supt. Danilo Mendoza at Cavite Provincial Police Office (PPO) sa ilalim ng pamumuno ni Sr. Supt. Alexander Rafael.
Si Panogalinga ay isang pugante sa Ozamis City Jail at pangunahing suspect sa pamamaril sa Amerikanong si Robert Armstrong sa holdap na naganap sa 7-11 Convenience Store sa Malate, Manila noong Setyembre 2012.
Samantalang si CadaÂvero ay siya namang lider ng grupo ay pumuga sa New Bilibid Prison noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Ang pagkakaaresto sa dalawa ang nagsilbing susi sa pagkakadakip naman noong Sabado ng madaling-araw sa itinakas na mag-asawang Chinese drug traffickers na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy at Wang Li Na.
Ang mag-asawa ay nasakote ng PNP-CIDG, PNP-Intelligence Group at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines sa inuupahan ng mga itong apartment sa #311 A Infante St, Infante Subdivision, P.Guevarra, San Juan City nitong Sabado ng madaling-araw.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ay una nang nasakote ang mga miyembro ng Ozamis robbery/holdup gang sa serye ng operasyon sa Cavite at Batangas na kinilalang sina Nestor Buenabente alyas Moklo; Rogie Soriano alyas Tong; Cesar Devera; Donde Pedrosa alyas Dondon; Alvin Cuyag alyas Ben at Dave Clark Lago alyas Carlo.
- Latest