Kidnap victim idinetalye ang 7-araw na pagkabihag sa kanya ng KFR
MANILA, Philippines - “Ipinaubaya ko na sa Diyos ang lahat.â€
Ito ang madamdaming pahayag kahapon ni Sally Chua, ang nailigtas na Fil-Chinese trader na buo ang paniniwala na iniligtas siya ng pananalig sa Diyos at haÂngaring mabuhay.
Si Chua na bakas pa rin ang matinding trauma sa mukha ay humarap sa mediaÂmen sa Camp Crame, isang araw matapos itong ma-rescue ng mga awtoridad sa Davao City at ikinuwento ang mistulang bangungot nitong karanasan sa kamay ng kaniyang mga kidnapper.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Chua ang PNP-AKG at Davao City Police dahilan sa matagumpay na pagliligtas sa kaniya na aniya ay ‘meÂmorable’ at isang magandang regalo dahilan ipinagdiriwang niya ang kaniyang ika-51 taong kaarawan kahapon (Hulyo 12).
Si Chua ay nasagip ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at Davao City Police sa operasyon sa sangay ng Allied Bank na matatagpuan sa C.M. Recto Avenue ng lungsod ng Davao habang nagwi-withdraw ito ng P15-M ransom nitong Huwebes ng tanghali.
Sa nasabing operasyon ay napaslang ang tatlo sa mga kidnappers na hinihinalang miyembro ng “Bye Bye kidnap for ransom gang†at nahuli ang itinuturong lider ng grupo na si Rolly Macamay. Patuloy namang pinaghahanap ang 10 pang mga suspek na nakatakas.
Ang biktima ay dinukot ng 14 mga armadong kidnapper sa Quezon City dakong alas-4 ng hapon noong Hulyo 5 matapos na magtungo ang mga suspek sa kaniyang tanggapan na nagpanggap na bibili ng mga heavy equipments kung saan iginapos ang kaniyang mga emÂpleyado.
Sinabi ng biktima nagpaikut-ikot pa umano sila sa EDSA ng sampung oras bago bumiyahe patungong Tabaco City, Albay kung saan hinihingan siya ng P100-M ng mga kidnapper na naibaba sa P50-M at pangÂhuli ay P15-M.
 Sa pamamagitan ng roro vessel ay una umano silang nag-stop-over sa Butuan City pero hanggang P7.5-M lamang ang kayang ibinigay ng banko doon kung saan ay itinawag ito sa Davao branch para ihanda at doon iwithdraw ang P15-M.
Labis namang ipinagtaka ni Chua na ilang araw ding nakapiring bago ito tinanggal ng mga kidnapper dahilan habang ibinibiyahe siya ay nakalusot sa checkpoint ang behikulong kanilang sinaÂsakyan na may kargang maÂraming armas at hindi rin ito ininspeksyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga pulis na bantay sa pier ng Bicol Region.
Samantalang habang nagwi-withdraw ng pera sa Davao City pasado alas-12:30 ng tanghali ang ginang na ineskortan ng naarestong lider ng mga kidnapper ay binulaga ang mga ito ng mga awtoridad na agad sinunggaban ang suspek at nasagip ang biktima.
Nakipagpalitan rin ng putok ang mga awtoridad sa iba pang mga suspek na naghihintay sa labas ng banko na ikinasawi ng tatlo sa mga kidnapper.
- Latest