MRT nagkaaberya, operasyon muling naantala
MANILA, Philippines - Muling naantala ang opeÂrasyon ng Metro Rail Transit (MRT) bunsod ng panibagong aberya na naganap sa isang tren sa Guadalupe station sa Makati City, nabatid kahapon.
Ayon kay MRT-3 GeÂneral Manager Al Vitangcol, nakaranas ang tren ng non-traction o hindi pagkapit ng mga gulong sa riles dahilan upang hindi ito umusad.
Nabatid na ganap na alas-7:46 ng umaga nang maganap ang insidente, nang magsakay at magbaba ng mga pasahero ang naturang tren sa southbound ng Guadalupe station.
Paalis na aniya ang tren nang hindi na ito makausad pa sa riles kaya’t napilitan silang pababain ang mga pasahero.
Hinala ng MRT management na motor problem ang naging sanhi ng insidente.
Ani Vitangcol, inabot rin ng 11 minuto ang pagkaantala ng operasyon ng tren.
Agad din namang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT matapos matanggal ang nagkaaberyang tren, na dinala sa pocket track sa Shaw Boulevard, upang matukoy ang dahilan nang hindi pagkapit ng gulong nito sa riles.
- Latest