Driver ng kotseng nangmolestiya sa 2 minor, tukoy na
MANILA, Philippines - Ang kapatid na lalaki ng isang kawani ng GMA Network na ang sasakyan ay itinuturo sa mga kaso ay kinilala na ng dalawang biktima nang pang-aabuso, ayon kay Quezon City Police District director Senior Supt. Richard Albano.
Inihahanda na ng Quezon City Police District ang mga kasong kriminal laban kay Jose Carlo Rosales, kapatid ni Maria Paula Teresa Rosales, na siyang bumili ng Honda Jazz (ZRD461) mula sa kanyang employer sa GMA7.
Ang plaka ay na-trace sa GMA Network matapos ang insidente sa Cubao noong nakaraang linggo, kung saan isang dalagita ang tinangay sa kalye ng isang driver ng sedan. Nagawang manlaban ng dalagita sa driver dahilan kaya naunsiyami ang tangkang panggagahasa sa kanya ng huli.
Ayon sa GMA Network ibinenta na nila ang sasakyan sa isa sa kanilang empleyado. Ang owner ng nasabing sasakyan ay hindi pinalitan ang registration documents sa kabila ng bentahan.
Sabi ni Superintendent Marcelino Pedrozo, hepe ng QCPD-Station10, magkahalintulad na kaso ang nangyari sa West Kamias noong Pebrero at nang ikumpara nila ang nabuong artist sketch sa magkahiwalay na insidente ay lumitaw na magkahawig ito.
Ipinahayag ni Pedrozo na nang magtungo sila sa bahay ng mga Rosales noong Lunes ng hapon, tinanong nila ang ilang kapitbahay kung kilala nila ang nasa sketches at kalaunan ay itinurong ito ay si Jose Carlo.
Dagdag naman ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng QCPD’s Criminal Investigation and Detection Unit, nagawa nilang makakuha ng photo ni Jose Carlos at nang ipakita nila ito sa mga biktima na kinilala naman ng mga ito.
- Latest