City hall employee, timbog sa kotong
MANILA, Philippines - Arestado ang isang empleyado ng Manila City Hall maÂtapos ang isang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa harap ng isang hotel sa Ermita, Maynila.
Kinilala ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila CHAPA, ang suspect na si Ronald Recuenco, alias Booggy na kasalukuyang nakatalaga sa Department of Public Services.
Batay sa pahayag ng biktimang si John Gilbert dela Cruz, 28, kitchen staff ng Century Seafood Restaurant, nahuli siya sa kasong beating the red light kung kaya’t nais niyang tubusin ang kanyang lisensiya.
Kinausap umano siya ni Recuenco kung saan nag-alok ito na sa kanya na lamang tubusin ang driver’s license sa halagang P2,500 kumpara sa ibabayad nitong P3,200.
Nang kanyang sabihin kay Recuenco na hindi niya maÂibibigay ang halagang P2,500, sinabihan siya nito na maÂaaring tumaas pa ang halaga kung patatagalin pa.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng entrapment ang mga tauhan ni Irinco kung saan huli sa akto si Recuenco na tinatanggap ang marked money.
Sinampahan ng kasong Anti-Red Tape Act (Anti-Fixing Law) si Recuenco sa piskalya.
- Latest