^

Metro

Simbahan nilooban: P.2-M nalimas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalimas ang mahigit sa P200,000 cash ng isang pastor matapos na pasukin ang opisina nito ng magnanakaw na dumaan sa bubungan at kisame ng simbahan sa Cubao,­ lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa pulisya, ang nilooban ay ang opisina ni Senior Pastor Vicente Buenaventura, 65, na nakahimpil sa may Jesus Messiah­ Global na matatagpuan sa   Aurora Blvd. cor. Harvard St., Brgy. E. Rodriguez.

May kabuuang halaga na P215,132.95 cash ang natangay ng mga suspect na kinuha mula sa tanggapan ni Buena­ventura.

Sa ulat ni SPO1 Victor Baquedqued ng Police Station 7, ang insidente ng pagnanakaw ay nadiskubre ng isang office staff na si Claire Ausan nang papasok ito ng naturang tanggapan, ganap na alas-8:30 kamakalawa.

Sa pagsisiyasat, pinasok ng hindi na­tukoy na suspect ang kuwarto ng Pastor sa pagitan ng alas-7:30 ng gabi hanggang alas-8:30 umaga sa pamamagitan ng pagdaan sa bubungan bago tuluyang binutas ang kisame sa loob nito. Sabi ni Baquedqued, ang nasabing simbahan ay iniwan umano ng caretaker na si Rele Goyala, na naka-lock at binabantayan ng security guard kung kaya kampanteng hindi mapapasok ito.

Subalit dahil sa paggawa ng butas ng suspect sa bubungan at kisame ay nagawang mapasok nito ang opisina. Nang makapasok sa loob ay saka sinira ang metal vault  kung saan nakalagay ang naturang salapi  at tumakas.

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

CLAIRE AUSAN

HARVARD ST.

JESUS MESSIAH

POLICE STATION

RELE GOYALA

SENIOR PASTOR VICENTE BUENAVENTURA

VICTOR BAQUEDQUED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with