PWDs sa Navotas, binigyang ayuda
MANILA, Philippines - Ikinasa kahapon ang unang Persons with DisÂability (PWD) Assembly ngayong taon ng Navotas City Social Welfare and Development Office sa ilalim ng direktiba ni Mayor John Rey Tiangco bilang pakikiisa sa seleÂbrasyon ng National Disability PreÂvention and Rehabilitation Week sa darating na ikatlong linggo ng Hulyo.
Ayon sa Punong Lungsod, layunin ng nasabing aktiÂbidad na bigyan ng kaalaman ang PWDs sa Navotas tungkol sa kanilang karapatan at beÂnepisyo mula sa lokal at nasÂyonal na pamahalaan tulad ng nakasaad sa Republic Act 9442, ‘An Act Amending Republic Act No. 7277, otherÂwise known as the “Magna Carta for Disabled Persons, and for Other Purposes,†for the Provision of Medical and related Discounts and Special Privileges.’
“Layunin din ng nasabing aktibidad na bigyan ng parehong oportunidad ang mga Navoteño na may kapansanan o disabilidad tulad ng ibang residente sa tulong ng Navotas Hanapbuhay Center na ating itinatag para magbigay ng libreng skills training, seminar at tulong puhunan sa mga nais magkaroon ng trabaho at mapagkakakitaan,†dagdag pa ni Mayor Tiangco.
Mahigit kumulang 150 PWDS mula sa Brgy. Tangos at San Roque ang nakasama sa nasabing assembly at orientation ukol sa mga benepisyong makukuha nila sa nasabing livelihood center. Ipinamigay din sa nasabing aktibidad ang kanilang identification card at discount booklet na magagamit nila upang makakuha ng 20% discount sa mga drug stores, laboratories, restaurants, recreation centers at iba pa.
- Latest