Guro ninakawan, pinatay ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 64-anyos na guro matapos na pagtulungang saksakin ay pinagnakawan pa ng Akyat-Bahay Gang sa Brgy. San Agustin, NovaÂliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daniel Pagatpatan, guro sa San Agustin Elementary School at nakatira sa Camia Street, MCB-1 sa nasabing baÂrangay.
Sa ulat ni SPO1 Joselito Gagasa, natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng kanyang anak na si Nick Lorenzo Pagatpatan.
Bago naganap ang krimen, naiwang mag-isa sa bahay ang biktima noong Hunyo 28 matapos dumalo ang kanyang mag-ina sa death anniversary ng kanilang kaanak sa Tagaytay City, Cavite.
Pagbalik ng mag-ina ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima at nawawala ang laptop, IPhone, mga alahas, at pitaka ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest