Seguridad sa oathtaking nina Erap, Isko tiniyak ng MPD
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa oathtaking ngayon nina Mayor-elect Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na gaganapin sa session hall ng Manila City Hall ngayong tanghali.
Dakong alas-12 ng tanghali ay isasalin ni Lim kay Estrada ang pamumuno sa lungsod sa loob ng tatlong taon.
Ayon kay MPD ofÂficer-in-charge Sr. Supt. Robert Po, itatalaga ang mga pulis sa paÂligid ng city hall gayundin ang mga tauhan ng traffic police sa labas ng city hall upang maÂiwasan ang pagkakabuhul-buhol ng daloy ng mga sasakyan.
Sarado rin simula alas-7 ng umaga ang south at north-bound ng Arroceros.
Nabatid naman kay MPD-District Directorate for Operations chief, Sr. Supt. Ronald Estilles, maglalagay ng LED projector sa quadrangle at sa freedom park upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na saksihan ang oathtaking.
Nakaantabay din ang Bureau of Fire Protection at ang Crowd Disturbance Management upang mapangaÂlagaan ang dadagsang taga suporta ng bagong adminisÂtrasyon.
Ang City Security Force naman ang siyang magbabantay sa loob ng city hall kung saan sasalain ang mga bisita alinsunod sa ipatutupad na color coding. Kabilang sa mga kulay ay orange, white, red at blue.
Aniya, inaasahang dadalo sa panunumpa nina Estrada at Moreno sina Vice President Jejomar Binay, dating Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Jinggoy Estrada.
- Latest