‘Gapos Gang’ pilay na, lider huli - QCPD
MANILA, Philippines - Naniniwala si Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. Richard Albano na napilay na ang grupong “Gapos Gang†matapos na maaresto ang pinakalider nito na si Jonathan Cuya sa lungsod, kamakalawa.
Ayon kay Albano, naÂging daan sa pagkakawaÂtak-watak at pagkakagulo ng grupo ang pagkakahuli sa lider nitong si Cuya na tinaguriang “Cuya Gapos Gangâ€.
Sabi ni Albano, sa ngaÂyon siyam pa sa kasamahan ni Cuya ang tinutugis ng kaÂnilang tropa, kung saan kinilala ang ilan sa kanila na sina Raymond David; Rodolfo Lalata; Gino Juanchon; MaÂnolo Manguidong; at mga alyas na Ped, Leo, at Eddie.
Ang nasabing grupo ay sangkot sa anim na robbery/holdap sa lungsod at CaÂloocan City na ang pangunahing modus operandi ay umatake sa umaga.
Naaresto si Cuya sa mismong bahay nito sa Brgy. Ba lingasa, Quezon City habang sakay ng karnap na MitsuÂbishi Gallant na may plakang ZNN-530.
Ang naturang sasakyan ay pag-aari ng isang Benito Sison na tinangay ng grupo ni Cuya noong May 19, 2013 sa may Clarion Building sa kahabaan ng McArthur Highway, Caloocan City matapos pasukin nila ang bahay ng una at igapos ang mga kasambahay at paÂmilya nito.
Sinabi ni Albano, matapos na makatanggap ang kaÂnilang tanggapan ng impormasyon mula sa Caloocan City Police hingil sa presensya ni Cuya sa nasabing lugar habang sakay ng karnap na sasakyan.
Agad na nagtungo ang tropa ng Anti-Carnapping Unit ng QCPD sa lugar ganap na alas-7 ng gabi at naispatan ang susÂpect na sakay ng nasabing sasakyan at inaresto.
Samantala, isa pang bikÂtima na nakilalang si AnÂthony Lim, at personal na kinilala si Cuya na kabilang sa grupo ng mga kalalakihan na pumasok sa kanilang bahay sa may Scout Limbaga St., Brgy. Laging Handa noong June 18, 2013, ganap na alas-6:45 ng umaga.
Ayon kay Lim, iginapos sila ng mga suspect gamit ang wire ng electric fan saka ikinulong sa isang kuwarto na napakahirap para sa kanila.
Sabi pa ni Lim, persoÂnal din siyang nagtungo sa QCPD matapos na mabatid na nahuli ang isa sa mga grupo, at upang makapagbigay na rin ng babala sa mga residente hingil sa masamang gawain umano ng grupo.
Samantala, bukod sa sasakyan, nakarekober din ang awtoridad ng isang jacket ng pulis, dalawang kalibre 40 baril at iba’t ibang basyo ng bala. Kasong paglabag sa PD 1866 o illeÂgal possesion of fireÂarms ang kinakaÂharap ngaÂyon ng suspect haÂbang nakaÂÂÂpiit sa nasaÂbÂing himÂpilan.
- Latest