^

Metro

Kompanyang sangkot sa oil spill, ipinasara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinasara ng  Manila City  hall ang  kompanya ng  langis na responsable sa  pagkakaroon ng  oil spill noong  Sabado ng gabi  na nagresulta sa hirap sa paghinga ng mga residente sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kina City Admi­nistrator Jay Marzan at Bureau of Permits chief, Nelson Alivio   dinala ang closure order dakong alas- 4 ng hapon sa Larainnes Marketing na pagmamay-ari ng  pamilya Enriquez.

Sinabi ni  Marzan na maraming paglabag ang  nasabing kompanya kung kaya’t bumuo na sila ng composite team upang mag-imbestiga sa insidente.

Aniya, walang miyembro ang maggagaling sa district office  upang maiwasan ang  anumang  whitewash o pagiging bias sa imbestigasyon.

Nagtataka si Marzan kung bakit nabigyan ng  permit ang Larainnes Marketing gayung puro pag­labag ang  ginawa nito sa pagtatayo ng  negosyo ng langis.

Dahil dito, sinabi ni Marzan­ na maraming ulo ang  gugulong at  sangkot  sa  pag-iisyu ng permit.

Matatandaang  Sabado ng  gabi nang  tumagas ang langis mula sa No. 9 bunker  ng  kompanya hanggang sa umagos sa Ilog Pasig at magdulot ng  masangsang na amoy na nakaapekto sa kalusugan ng mga residenteng nakapaligid dito.

Lumilitaw na matagal nang  inirereklamo  ang nasabing kompanya  dahil sa ireponsableng ope­rasyon nito.

BUREAU OF PERMITS

CITY ADMI

ILOG PASIG

JAY MARZAN

LARAINNES MARKETING

MANILA CITY

MARZAN

NELSON ALIVIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with