Driver dedo sa kinupkop na kelot
MANILA, Philippines - Kamatayan ang natanggap na gantimpala sa pagmamagandang-loob ng isang 40-anyos na pedicab driver, na binaril ng kanyang bagong kaibigan na pinatuloy at pinakain sa sarili niyang tahanan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Federico Malonzo, ng Mabuhay St., Tondo, bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Butchoy maÂtapos ang pamamaril.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng MPD-Homicide Section, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng St. James at Mabuhay Sts., Tondo. Nabatid na nagkakape ang biktima sa nasabing lugar nang binulaga siya ng suspect at agad na pinaputukan sa ulo. Isinugod naman ng kanyang live-in partner na si Rosalyn Rodriguez sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
Sa naging salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, nagkainitan ang suspect at si Rosalyn Rodriguez dahil sa pagbubunganga umano ng huli hinggil sa dagdag gastos nila sa pagpapakain sa suspect. Humingi pa umano ng pasensiya ang biktima sa suspect na huwag nang paÂtulan ang kanyang kinakasama subalit naging dahilan pa ito ng pagtatalo ng suspect at ng biktima na nauwi sa suntukan hanggang sa lumayas na ang suspect. Hindi inakala ng biktima na reresbakan pa ito ng suspect sa kabila ng ginawang pagkupkop dito.
- Latest