^

Metro

Parak inutas ng kalugar

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang bagitong pulis nang pagbabarilin  ng kanyang kalugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang biktimang si PO1 Mark Jonnel Susano, 25, nakatalaga sa National Capital Region Police Office at residente ng Bagumbong Dulo ng naturang lungsod.

Hinahanting naman ng Caloocan City Police ang suspect na si  Mark Anthony Ventura, 24, ng Nati­vidad Subdivision, Bagumbong ng naturang lungsod.

Inaresto naman ng mga pulis ang mga kapatid ng suspect na  sina Susan, 47; at Bienvenido, 20, sa  kasong obstruction­ of justice.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente dakong  alas-11:30 ng gabi sa Maranaw St., Bagumbong ng naturang siyudad habang nag­lalakad ang biktima nang salubungin at pagbabarilin ng suspect.

Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspect habang ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit binawian din ng buhay.

Sa isinagawang follow-up operation ay pinuntahan ng mga kabaro ng biktima ang bahay ng suspect,  subalit hindi binuksan ng mga kapatid nitong sina Susan at Bienvenido ang pinto, na naging dahilan upang tuluyang maka­takas ang salarin. Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Malabo pa rin ang motibo sa krimen­.

 

BAGUMBONG

BAGUMBONG DULO

BIENVENIDO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARANAW ST.

MARK ANTHONY VENTURA

MARK JONNEL SUSANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with