^

Metro

Biniktima ng mga batang hamog: Koreano ninakawan na, pinatay pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na Korean national nang umalma at barilin ng sina­sabing  kasabwat ng mga ‘batang hamog’ na  mandurukot sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang gina­gamot sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City ang biktimang si Joong Chulan, binata, at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 21-H Malate Bayview Tower,  Adriatico St., Malate, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Tinutugis na ang mga magkakasabwat na batang hamog na kinilalang sina Henry Patriminio, alyas “Buk­noy”, tinatayang 25-28 anyos; Michael Velarde, alyas “Peping”, ng J. Bocobo St., Malate at Romalyn Fernandez, ng  1941 Ma. Orosa St., Malate, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Adriatico at Remedios Sts., Malate, Maynila.

Nabatid na kagagaling lamang sa isang bar ng biktima pauwi sa tinutuluyang hotel nang palibutan umano ng isang grupo ng batang hamog na hindi bababa ang bilang sa 10 hanggang 15. Dinukutan   umano at inagawan pa ng cellphone ang biktima subalit pumalag.

Nakita umano ng dalawang kasapakat ng mga batang hamog  na binatukan ng dayuhan ang mga paslit na nambiktima sa kanya kung saan naglabas ng baril at malapitang pinaputukan ng suspect ang biktima.

Pagbagsak ng biktima, sinamantala naman ni Fernandez na iskobahin o tangayin ang mga gamit at salapi ng biktima.

ADRIATICO ST.

BOCOBO ST.

CHRISTIAN CAPARAS

H MALATE BAYVIEW TOWER

HENRY PATRIMINIO

JOONG CHULAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL VELARDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with