Relokasyon sa informal settlers sa Quezon City, pinaplantsa na
MANILA, Philippines - Nagpulong na kahapon ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod Quezon at mga kinatawan ng mga binabahang barangay para sa napiÂpintong relokasyon ng informal settlers na naninirahan sa mga gilid ng waterways sa lungsod.
Ang pulong na pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ay tumalakay para sa pagpaplano at estratihiya para masiguro ang kaligtasan ng mga pamilya ng informal settler partikular ngayong tag-ulan.
Dito ay naiprisinta ng mga nagawa na ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng permanenteng solusyon sa problema para sa mga eskuwater.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Belmonte ang mga barangay officials na magsagawa ng dayalogo sa kanilang mga nasasakupan para magtulungan ang bawat isa sa ikatatagumpay ng relocation program ng lungsod.
Tiniyak naman ni Belmonte na mabibigyan ng maayos na reloÂkasyon at tirahan ang mga settlers para sa kanilang kapakanan at mas ligtas na lugar na titirahan.
- Latest