Binatilyo todas sa bespren
MANILA, Philippines - Utas ang isang 16-anyos na pedicab driver nang burdahan ng saksak ng kaniyang dating bespren na nakaaway dahil sa payo na tigilan ang pagtuturo sa mga bata na suÂminghot ng solvent sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Regino Gardon, ng Sampaguita St., Bulkan, Sta Ana, Maynila sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.
Nagtatago na ang suspect na kilala lamang sa alyas na “Kulotâ€, 17, residente ng Water Lily St., Bulkan, Sta. Ana, Maynila na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Sa ulat ni SPO2 Milbert Balingan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Posadas St., Sta. Ana, Maynila.
Dati umanong matalik na magkaibigan ang dalawa na nagkalamat lamang nang pagsabihan ng suspect ang bikÂtima na huwag turuan ang mga bata na gumamit ng solvent at huwag nang idamay sa bisyo. Ikinagalit naman ito ng biktima hanggang sa mauwi sa pagtatalo.
Nabatid na unang sinaksak ni Gardon si Kulot na hindi napuruhan kaya nang magtagpo muli at makakuha ng tiÂyempo, rumesbak naman ng saksak ang huli.
Ilang oras lang ang lumipas ay namatay din sa paga mutan ang biktima.
- Latest