^

Metro

Tinawag na jokla driver dedo sa napikong pinsan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa birong tawag na bading o jokla, isang driver ang inutas sa saksak ng kanyang pinsan matapos ang kanilang inuman sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador, nakilala ang nasawi na si Avegel Fabito, 31.

Ayon sa pulisya, hinihintay na lamang umano nilang iturn-over sa kanila ng barangay ang suspect na si Reyster Azores, 21, upang tuluyan nang maisampa ang kaso laban dito.

Nangyari ang insidente malapit sa tinutuluyan ng mag-pinsan sa Florville Extension, Delta Village, Tandang Sora ganap na alas-7 ng umaga.

Ayon kay Mark Villegas, bayaw ng nasawi, alas-5:30 ng umaga ay magkasabay na dumating ang biktima at suspect sa kanilang bahay na may bitbit alak at kapwa nakainom na.

Dito ay pinagpatuloy uma­no ng dalawa ang pag-inom ng alak at sa kalagitnaan ng inuman ay inaasar na umano ng biktima ang suspect na tinatawag niyang jokla. Sa asar ay padabog na umalis ang sus­pect at ilang minuto ay sumunod ang biktima.

Ayon naman sa isa pang testigo na si Brian Darollo, 23, naglalakad siya papunta sa kanilang bahay para mang­hiram ng kariton nang makita niya ang biktima na sinu­suntok ang suspect pero duguan na ito.

Mula dito ay nakita umano niya ang suspect na may ha­wak ng balisong.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad habang ini­hahanda ang kasong isa­sampa laban sa suspect.

vuukle comment

AVEGEL FABITO

AYON

BRIAN DAROLLO

DELTA VILLAGE

FLORVILLE EXTENSION

MARK VILLEGAS

REYSTER AZORES

RHIC ROLDAN PITTONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with