Maagang pagpapauwi sa mga estudyante, inapela ng MMDA
MANILA, Philippines - Umapela ang Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na maagang magdeklara ng suspension ng pasok at sa mga opisyales ng mga paaralan maging sa mga kompanya na maagang pauwiin ang kanilang mga estudyante at tauhan kaÂsunod ng forecast na patuloy na pag-ulan ngayong linggo.
Sinabi ni Tolentino na dapat mapauwi na ang mga mag-aaral at mga empleyado bago mag-alas-5 ng hapon kung kailan inaasahan na paÂpatak ang ulan.
Tinukoy nito ang forecast ng PAGASA ng patuloy na pag-ulan lalo na sa hapon dulot ng bagyong Emong na maaaring magtagal hanggang Biyernes ngayong linggo.
Kung maisasagawa umano ang maagang pagpaÂpauwi, maililigtas ang mga estudyante sa sakit dulot ng pagkabasa sa ulan at pagiÂging stranded.
Samantala, nakaalerto na umano ang kanilang mga taÂuhan mula nitong Martes lalo na ang mga panggabing shift sa pagmamando sa daloy ng trapiko.
- Latest