^

Metro

Tanod todas sa holdaper

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod na nagresponde sa isang insidente ng holdap ang sinaksak at napatay ng dalawang holdaper na kanyang hinabol makaraang biktimahin ng mga ito ang isang  call center agent kamakalawa ng gabi sa  Singalong, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Ronald M. Gallo, ng MPD-Homicide  ang biktima na si Jonas Mateo, 32, ng Villa San Antonio St., Singalong, Maynila.

Isa sa mga suspect ang nadakip na nakilalang si Julius Ceringan, 39, miyembro ng Bahala na Gang habang nakatakas naman ang kasamahan ni Ceringan na nakilala sa alyas na Jeffrey.

Sa rekord ng pulisya, alas-7:00 ng gabi kamakalawa, mina­maneho ng naturang tanod ang kanyang pedicab  sa Taft Avenue kanto ng Estrada sa Malate, Maynila nang marinig ang paghingi ng saklolo ng biktimang si Mary France Olan, 35,  na umano ay hinoldap ng mga suspect.

Nang makita ng nabanggit na tanod ang paparating  na motorsiklo na sinasakyan ng mga suspect ay hinarangan umano nito ng kanyang pedicab hanggang sa bumunot ng patalim si Ceringan at sinaksak ang biktima.

Matapos na masaksak ang tanod ay tinangka ng mga suspect na tumakas ngunit si Ceringan ay nasabat ng mga guwardiya sa isang unibersidad.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Mateo pero binawian din ito ng buhay.

CERINGAN

JONAS MATEO

JULIUS CERINGAN

MARY FRANCE OLAN

MAYNILA

RONALD M

SINGALONG

TAFT AVENUE

VILLA SAN ANTONIO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with