^

Metro

Agri Techno demo forum dinudumog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinarayo at dinudumog ng mga magsasaka, magbababoy, magmamanok at maging ang mga ina ng tahanan ang Agri Techno demo forum na inorganisa ni Francis Cansino ng Radyo ng Bayan (DZRB).

Ang forum ay isinasagawa tuwing ikatlong linggo ng buwan sa Bernies Garden sa Parks and Wildlife, sa Quezon City.

Libre ang nasabing forum na nagbibigay ng seminar sa tamang pag-aalaga ng baboy, manok, pagtatanim ng organic na gulay prutas at iba pa.

Katuwang ni Francis Cansino si Dr. Nilo Dela Cruz na mula sa Nueva Ecija at iba pang iniimbitahan personalidad na dalubhasa sa livestock and poultry raiser upang magturo ng walang bayad sa mga nagnanais matuto ng mga kaalaman sa paghahayupan at pagsasaka sa organikong pamamaraan.

Nitong nakalipas na Sabado (June 15) ay na­ging panauhin ng Agri Techno demo forum si Department of Agriculture (DA) Assistantant Sec. Dave Gatbagan kung saan ay inilatag nito ang mga programa ng DA na magbibigay ng tulong at suporta sa bawat individual at grupo na nagnanais tu­mingkad ang kaalaman sa paghahayupan.

Dumalo rin sa furom si Jenny Castaneto ng DA Technology and Commercialized Division kung saan ay inilatag nito programa ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng binhi ng Soya upang mapalawak sa bansa ang pagtatanim nito na may mataas na bitamina at protina.

Ang soya na tinawag na ‘wonder crop’ ay inaangkat pa sa ibang bansa pero ngayon ay unti-unti na itong pinapa­lawak sa Pilipinas.

 

AGRI TECHNO

ASSISTANTANT SEC

BERNIES GARDEN

DAVE GATBAGAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. NILO DELA CRUZ

FRANCIS CANSINO

JENNY CASTANETO

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with