41 lugar sa Pasay, nasa danger zone sa pagbaha
MANILA, Philippines - Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pasay City Disaster and Risk Reduction Management Office ang 41 lugar sa lungsod na nasa “immediate concern†sa agarang pagbabaha kapag may nararanasang pag-ulan.
Sinabi ni DRMMO officer-in-charge Ricardo Garcia na kasado na ang kanilang “signal system†sa lahat ng barangay na natukoy na “danger zonesâ€. Ito ay upang agad na makapaghanda ang mga residente at mga opisyal sa pagbabaha.
Ayon kay Garcia, karamihan sa mga lugar ang natukoy nila na mabilis ang pagbaha na umaabot ng lagpas bewang kung tuluy-tuloy ang malakas na ulan. Sa 41 lugar sa Pasay, binanggit ni Garcia na pinaka kritikal dito ang lugar ng Mulawin, Maricaban at Kalayaan Village sa hangganan ng Pasay-Parañaque na mabilis umabot sa dibdib ng tao ang baha.
Sa nabuo nilang ‘early warning’ system’, magpapatunog ng “bell†ang mga opisyal ng barangay at iikot sa mga residente upang magbigay ng babala gamit ang mga “megaphones†ng mga itinalagang barangay watchers.
May mga itinalaga na ring “evacuation areas†sa mga lugar na kanilang natukoy na siyang agad na pagdadalhan sa mga pamilya na malalagay sa panganib ang mga tahanan.
Nakaalerto na rin umano ang City Reduction and Risk Reduction Management Office na may 45 tauhan, limang fiberÂglass na motorboat at apat na rubber boats.
- Latest