Metro Manila binaha, klase sinuspinde
MANILA, Philippines - Lumubog sa tubig-baha ang ilang bahagi ng Metro Manila kaya sinuspinde ang klase sa mga apektadong eskuwelahan sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng hapon.
Sa phone interview, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) NaÂtional Capital Region Director Edgar OlleÂt, ang pagbaha ay nagdulot din ng pagsuspinde ng operasyon ng Philippine National Railways (PNR).
Ang pagbaha ay dulot ng mga hukay sa mga apektadong lugar sanhi ng road widening project at mga basura sa waterways.
Kabilang sa mga biÂnahang lugar ay ang kahabaan ng T.M. Kalaw St. sa may tanggapan ng Department of Tourism maging ang kahabaan ng Benitez, Mabini, Pedro Gil Streets.
Samantala, hindi na madaanan ng maliÂliit na sasakyan ang kahabaan ng España AveÂnue, C.M. Recto at D. Jose, R. Papa na hanggang baywang ang taas ng tubig-baha; Maceda, A. Bonifacio, Dimasalang Streets ay hanggang tuhod din ang tubig-baha.
Sa Mandaluyong City ay ang bahagi ng Brgy. Namayan, San Joaquin, Dreamland, Sta. Lucia, Kalentong, Plainview, S. Lopez at Old Zanega na umabot din hanggang sa tuhod ang baha.
Gayundin sa Quezon City ay ang West Riverside at ang bahagi ng San Francisco del Monte ay nilamon ng tubig-baha.
Sinabi ni Ollet na ang mga pagbaha ay nagdulot ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko sa mga apektadong lugar.
Base sa forecast ng weather bureau, kabilang sa apektado ng pag-ulan at mga pagkulog ay ang Metro Manila at iba pang mga karatig-lalawigan na epekto naman ng southwest monsoon.
Nasa flood alert din ang mga lungsod ng Mandaluyong, Makati, Parañaque , Las Piñas, Muntinlupa, at Quezon City.
Kabilang naman sa mga unibersidad na sinuspinde ang pang-hapong klase ay ang Adamson University, University of Santo Tomas, University of the Philippines sa Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, San Beda College, College of Saint Benilde, De La Salle University, Philippine Women’s University, Far Eastern University, San Sebastian College, Sta. Isabel College, St. Paul College sa Manila at Quezon City, St. Scholastica’s College at University of the East-Manila
Samantala, nasuspinde rin ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa eleÂmentary at high school sa Manila.
- Latest