^

Metro

Kelot binurdahan ng saksak sa katawan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na binurdahan ng saksak sa buong katawan at nababalutan ng packaging tape ang mukha, kamay at paa, habang nakasilid sa isang itim na garbage bag ang natagpuan sa isang tulay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay inilarawan sa edad na 25-30, moreno, may taas na 5’6’’, naka-barber’s cut ang buhok, may balbas at tattoo na pangalang Bar sa kaliwang daliri.

Ayon kay PO2 Romeo Niño, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan sa may Aurora Blvd. bridge sa Brgy. Immaculate Concepcion, ganap na alas-5 ng madaling-araw.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng mga tusok sa buong katawan at may bakas pa ng tali sa kanyang leeg na hini­hinalang siyang agad na ikinamatay nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad para makilala ang biktima at kung sino ang posibleng may gawa sa krimen.

AURORA BLVD

AYON

BRGY

IMMACULATE CONCEPCION

ISANG

PATULOY

ROMEO NI

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with