^

Metro

NPA umatras sa peace talks

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpapalusot lang ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Cordillera Region ma­tapos itong tumangging makilahok sa lokal na peace talks kaugnay ng isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan. Ito ang naging reaksyon kahapon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan kasunod naman ng paha­yag ng NPA rebs na hindi na nila nais makilahok sa local peace talks.

Nabatid na ikinatwiran ng NPA ang air strike ope­rations ng militar sa mga kampo sa Abra kung saan sinabi ni Brig Gen Hernando Iriberri ng Army’s­ 503rd Infantry Brigade ay bahagi lamang ng propaganda ng mga rebelde.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglabag ng NPA sa karapatang-pantao na ginawa ng mga itong pag-atake sa Dole Plantation sa Bukidnon, pananambang sa convoy ni Mayor Ruthie Guin­gona, panggugulo at pananambang sa Negros Occi­­dental at iba pa. Gayon pa man, sinabi ni Tutaan­ na posi­tibo ang AFP na kung uupo sa negotiating table ang NPA ay maisusulong ang minimithing pangmatagalang kapayapaan.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES SPOKESMAN BRIG

BRIG GEN HERNANDO IRIBERRI

CORDILLERA REGION

DOLE PLANTATION

DOMINGO TUTAAN

INFANTRY BRIGADE

MAYOR RUTHIE GUIN

NEGROS OCCI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with