Lolo tumalon sa footbridge, lasog
MANILA, Philippines - Lasog ang 65-anyos na lolo matapos itong tuÂmalon mula sa isang footbridge sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Namatay habang giÂnaÂÂgamot sa Manila CenÂtral UniÂversity (MCU) HosÂpital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Marcial Mallo, ng Lansones St., Brgy. Po trero, MaÂlabon City.
Ayon sa Caloocan City Police, naganap ang insiÂdente dakong alas-6:15 ng umaga sa isang footbridge sa kahabaan ng EDSA AveÂnue, MonuÂmento ng natuÂrang siyudad.
Nabatid na kasamang umakyat ng biktima ang apong si John Paul sa naÂturang footbridge at nang nasa itaas na ay biglang tuÂmalon ang matanda at lumagpak sa sementadong kalsada na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.
Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga pulis ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
- Latest