^

Metro

Seguridad sa U-Belt sapat -- MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Police District-Station 4 (Sampa­ loc) chief, Supt. James Afalla­  na mabibigyan ng sapat at maayos na seguridad ang University Belt area parti­kular ang  paligid ng  University of Santo Tomas (UST) kung saan tumaas ang bilang ng mga estudyante sa España, Maynila.

Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni  Afalla­  na  bagama’t kulang  sila sa mga pulis, 24 oras naman ang kanilang ginagawang  monitoring katuwang ang  mga barangay officials at mga close circuit television (CCTV) ng mga estalishments sa paligid.

Ayon kay Afalla, ang mga pulis at barangay officials ay magbabantay sa mga kritikal na lugar kabilang ang  España, P. Noval, Lacson/ For­bes, N. Reyes at Legarda upang masawata ang mga petty crimes kung saan  ka­dalasang mga estudyante ang nabibiktima.

Kasabay nito, nanawagan din si Afalla  hindi lamang sa mga estudyante kundi ma­­ging sa lahat na iwasang  maglabas ng mga mamahaling alahas, cell phones at mga gadgets kung nasa lansangan upang hindi makatawag ng pansin sa mga criminal.

Aminado si Afalla mahirap bantayan ang 192 ba­rangay sa Sampaloc su­balit kanila itong kinakaya sa pa­­­­mamagitan ng sistema subalit kailangan pa rin ang tulong ng publiko.

Para naman sa kinatawan ng UST na si Prof. Geovanna Fontanilla, sinabi nito na sapat ang kanilang seguridad sa loob ng  UST campus subalit nangyayari ang krimen sa labas ng uni­bersidad.

Aniya, makakabuti na   dag­dagan ang paglalagay ng ilaw sa paligid ng  UST lalo na sa gabi kung saan nagsisimulang umatake ang mga criminal.

Payo rin ni Afalla, sa pub­liko na magsampa ng reklamo upang agad na ma­ipakulong ang mga salarin.

 

vuukle comment

AFALLA

ESPA

GEOVANNA FONTANILLA

JAMES AFALLA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with