^

Metro

3 patay sa shootout sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang ba­rangay tanod nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang anti-criminality campaign, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang isang hindi  pa nakilalang suspect na inilarawang nasa edad na 25 hanggang 30, may taas na 5’4’’ at  may tribal tattoo sa katawan;   alyas “Rex”, 35, na nang-agaw ng baril sa escort na pulis habang patungo sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Batay sa record, si  Rex ay  suspect sa pamamaslang sa dating miyembro ng MPD-Station 5 na si PO1 Edcel Ayon, noong Enero 31, 2012, sa Block 1, Aplaya, Brgy. 649, na pinamumunuan ni Chairman Kris Hispano, sa Baseco, Port Area.

Namatay din habang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang barangay tanod na si  Jody Roncales, na nabaril naman ng mga suspect.

“Nagsasagawa ng anti-criminality campaign sina Insp. Melchor Villar, ka­sama ang ilang mga ta­uhan niya at mga barangay tanod nang salubungin ng putok ng mga suspect kaya nabaril yung barangay tanod. Ginantihan naman ng putok ’yung mga pulis kaya tinamaan ’yung dalawa sa mga suspect,” ani MPD-station 5, chief P/Supt. Ferdinand Quirante.

Nabatid  sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-Ho­micide Section na naganap ang insidente dakong alas- 5:00 ng hapon ng Biyernes subalit umabot pa umano ng apat na oras bago dumating ang Scene of the Crime Operatives  (SOCO), sa Block 9 Extension Baseco, Port Area, Maynila.

 

BASECO COMPOUND

CHAIRMAN KRIS HISPANO

EDCEL AYON

EXTENSION BASECO

FERDINAND QUIRANTE

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

JODY RONCALES

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with