^

Metro

AVA pararangalan ang 26 tycoons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pararangalan ng Antonio Village Association ng Ortigas Center sa Pasig City ang mahigit 26 business tycoons dahil sa naitulong nila sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan.

Ayon kay AVA Chairman Jose Malvar Villegas Jr., ang paggagawad ng parangal ay iaanunsiyo sa ika-22 anibersaryo ng Citizens Crime Watch (CCW) sa Hulyo 21 sa Mandaluyong City Hall Auditorium.

Ang mga pararangalan ay sina Henry Sy Sr., John Gokongwei, Jaime Zobel de Ayala, Enrique “Ricky” Razon, Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., Lucio Tan, George Ty, Andrew Tan, Manny V. Pangilinan, Emilio T. Yap, Tony Tan Caktiong, Oscar Lopez, Felipe Gozon, Alfredo Yao, Manny Zamora, Carlos Chan, Jon Ramon Aboitiz, Manuel “Manny” Villar, David Consunji, Ramon Ang, R. Coyuito Jr., Iñigo Zobel, Bienvenido Tantoco Sr., Jorge Araneta at Alfonso Yuchengco.

Ang parangal sa kanila ay kasing importante ng parangal sa mga pinunong may tapat at magaling na pamamalakad, aniya Villegas, pinuno rin ng CCW.

Ayon naman kay AVA president Rogelio Garcia, ang organisasyon ay maglulunsad ng economic summit exhibit at iimbitahin ang mga tycoons para ibahagi ang kanilang kaalaman sa pagpapaunlad ng negosyo.

Ilulunsad din ang Ortigas Center bilang “Little Singapore of the Philippines”, sabi ni AVA Secretary General George Barcenilla.

ALFONSO YUCHENGCO

ALFREDO YAO

ANDREW TAN

ANTONIO VILLAGE ASSOCIATION

AYON

BIENVENIDO TANTOCO SR.

CARLOS CHAN

CHAIRMAN JOSE MALVAR VILLEGAS JR.

ORTIGAS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with