Preso sa Manila City jail, nag-noise barrage
MANILA, Philippines - Naghari ang tensyon sa loob ng Manila City jail kahapon makaraang magsagawa ng noise barrage ang mga preso dito na humihiling sa pagsibak sa warden at ilang opisyal sa nasabing kulungan.
Ayon naman sa pamunuan ng jail ginawa ng mga preso partikular ng mga miyembro ng Sputnik ang pag-iingay matapos naman ang ginawang paghihigpit ng pamunuan ng piitan at huwag payagang makapasok ang construction materials na ginaÂgawang front sa pagpapasok ng illegal na droga.
Ayon kay jailwarden Supt. Lyndon Torres ang grupo ng Sputnik na nagsimula ng gulo matapos na hindi nila payagang makapasok ang construction material na gagamitin sa pagpapagawa ng facade ng grupo ng mga preso.
Ayon kay Torres, ginawa nila ang paghihigpit matapos na sabihin sa kanya ni SJO4 Benjamin Signap bago ito namatay, na ginaÂgamit ang construction materials sa pagpapasok ng bawal na gamot. Si Signap ay napatay noong Mayo 4 ng riding in tandem.
Sinabi ni Torres na nagtataka lamang siya kung bakit nag-noise barrage ang grupo ng Sputnik kung walang ilegal sa mga construction materials.
Nabatid din ni Torres na pinag-iingat din siya ni QC jailwarden Supt. Joseph Vela dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay mula sa isang preso ng MCJ.
Pinabulaanan din ni Torres ang isyu ng pananakit at hindi pagpapakain sa mga preso. Aniya, nakarekord ang lahat ng mga oras nang pagpapakain sa mga preso.
Bunsod nito, dinoble ang paghihigpit sa seguridad sa MCJ kung saan naka-confine sa iisang lugar ang mga nagpasimuno ng gulo.
Kaugnay nito, sinabi ni Torres na handa naman siya sa anumang imbesÂtigasyon na isasagawa ng Regional Office at handang umalis sa puwesto kung kinakailangan.
- Latest