Dahil sa panlalait: Stepdad todas sa anak-anakan
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang stepson matapos laitin ng una ang huli, kahapon sa Navotas City.
Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang saksak sa dibdib ang biktimang si Gregorio Diego, 46, ng Old Fish Port, Brgy. North Bay Boulevard ng naÂturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Roefer Evangelista, 20.
Ayon sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, naÂganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali nang umuwing lasing ang biktima at inabutan na naghahanda ng panangÂhalian ang suspect.
Nilait at pinagmumura ng biktima ang suspect na nagalit at kumuha ito ng patalim bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kanyang stepfather.
Matapos ang panaÂnaksak ay tumakas ang suspect.
- Latest