^

Metro

Taong grasa natulog sa tren ng MRT, todas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang hindi pa nakikilalang taong grasa makaraang makapasok sa loob ng nababakurang riles ng Metro Rail Transit (MRT) at mabangga ng unang pumasadang tren, kahapon ng madaling-araw paglagpas sa Magallanes Station.

Ayon kay MRT General Manager Atty. Al Vitangcol III, naganap ang insi­dente dakong alas-5 ng ma­daling-araw sa southbound lane paglagpas ng Ma­gallanes Station sa Makati City.

Unang biyahe umano ang naturang tren buhat sa kanilang depot sa North Avenue­ Station at patungo na ng EDSA-Taft Avenue Station nang biglang tumayo ang biktima nang palapit na ang tren.

Tinangkang umiwas umano nito ngunit huli na at nahagip na ng tren sanhi ng kanyang kamatayan.

Dahil sa taong grasa, walang pagkakakilanlan na natagpuan sa bangkay ng biktima. Nagtataka naman ang mga otoridad kung paano nakapasok ng riles ang biktima gayung may bakod ito at naka-angat pa sa kalsada.

Hinala ng pulisya, ma­aaring umakyat sa riles ang biktima matapos ang operasyon ng MRT kamakalawa ng gabi at saka dito natulog.

Aminado ang pamunuan ng MRT na walang “closed circuit television camera (CCTV)” na naka­kabit sa lugar ng insidente.

Dahil sa insidente, naapektuhan ang operas­yon ng MRT dahil sa bangkay ng biktima.

Pinutol ang biyahe ng MRT mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station lamang bago idiniretso hanggang Taft Avenue makaraang matanggal ang katawan ng biktima dakong alas-9:30 ng umaga.

 

AL VITANGCOL

DAHIL

GENERAL MANAGER ATTY

MAGALLANES STATION

MAKATI CITY

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

SHAW BOULEVARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with