STD clinic sa OSMA pinasinayaan ni Lim
MANILA, Philippines - Pinasinayaan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang STD (sexually transmitted diseases) clinic sa Ospital ng Maynila (OSMA) na layong mapigilan ang pagtaas ng bilang ng sex-related cases na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Kasama sina chief of staff at media bureau director Ric de Guzman at OSMA director, Dr. Vangie Morales, sinabi ni Lim na bukas na sa publiko ang STD Hygiene Clinic mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Pamamahalaan naman ito nina Drs. Ramon Go-Morales, Benedicto Carpio, Eileen Morales at Marcellano Cruz bilang mga training officers at resident doctors sa ilalim ng department of dermaÂtology.
Ayon kay Lim, ang pagkakaroon ng 800 pasyente kada araw ay indikasyon na may sapat na doktor, gamot at iba pang mga health care services ang OSMA na inilaan para sa mga mahihirap na residente ng Maynila.
Sinabi naman ni Morales na ang nasabing clinic ay magbibigay ng prevention, treatment at counseling sa STD patients habang napapanatili rin ang kanilang pagkakakilanlan. Ilan sa mga sakit na maaaring gaÂmutin ay ang syphilis, genital warts, chancroid, gonorrheaÂ, trichomoniasis, chancroid, chlamydia, herpes simplex, lymphogranuloma venereum at AIDS.
- Latest