^

Metro

Nabubulok na bangkay ng caretaker sa sementeryo natagpuan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabubulok na ang katawan ng isang caretaker  ng mga nitso sa Manila North Cemetery nang matagpuan sa kanyang  barung-barong kahapon ng umaga.

Dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang  bangkay ni Paulita Ocampo, 55, ni Anita Meralles, kapwa caretaker sa ST 23 MNC, Aurora Blvd., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay PO1 Anthony Boncan ng MPD-Homicide Section bagama’t walang sugat sa katawan, namamaga naman ang mukha ng biktima  na pinaniniwalaang inatake din sa puso.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Mayo 27, dakong alas-7:30 ng gabi na nagpaalam na matutulog na umano.

Samantala, hinihinalang inatake din sa puso ang isang 40- anyos na vendor, na biglang natumba at tuluyang binawian ng buhay  habang naglalaro ng chess, sa  likod ng Sta. Ana, Public, Market, sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nang matanggap ang tawag kaugnay sa insidente ng pagkamatay ng biktimang kinilalang si Jaime Ganibi, residente ng Las Piñas City.

 

vuukle comment

ANITA MERALLES

ANTHONY BONCAN

AURORA BLVD

CHARLES JOHN DURAN

HOMICIDE SECTION

JAIME GANIBI

LAS PI

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with