1,780 estudyante nabiyayaan ng libreng paaral ni Joy B
MANILA, Philippines - Umaabot sa 1,780 na mga mag-aaral ang napagtapos ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED) Special Study Grant ProgramÂ.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte, ang naturang mga benepisyaryo ng programa ay mga deserving students na nagmula sa mga mahihirap na pamilya na patuloy na kinakalinga ng tanggapan.
Sa District 1 ay may 309 students ang nakinabang sa programa, 875 sa District 2, 5 at 6, 296 mag-aaral ang nabenepisyuhan sa District 3 at 300 students sa District 4.
Ang mga ito ay pawang paaral sa college at iba pa anya ang bilang ng mga nakinabang din sa programang libreng paaral sa high school.
Sinabi ni Belmonte na mula nang maupo siya bilang bise alkalde sa lungsod noong 2010 hanggang sa kasalukuyan ay ipinagpaÂpatuloy nila ang nasimulang programang pang edukasyon sa mga less fortunate na kabataan upang makapagÂtapos ang mga ito sa pag-aaral at tuloy magamit nila ang edukasÂyong ito sa pagÂbangon nila sa buhay.
- Latest