^

Metro

Acetylene gang sumalakay: P.8-M tangay sa money changer

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natangay ang halagang P800,000 cash mula sa isang money changer sa Cubao, Quezon City matapos na pasukin ng kilabot na acetylene gang na gumagawa ng tunnel para makapasok sa loob, ayon sa pulisya.

Ayon kay Supe­rintendent Ronnie Montejo, hepe ng Cubao Police Station, nagawang makapasok ng mga suspect sa Emerald Money Changer, na pag-aari ni Ranie Carlos at matatagpuan sa Opulent Building at Gen. Roxas Avenue corner EDSA in Araneta Center, Cubao.

Dagdag ni Montejo, nagawang matangay ng mga suspect ang ha­lagang­ P800,000 cash at tatlong shotguns mula sa nasabing establisimento.

Sabi pa ng opisyal,  ang pagnanakaw ay nadiskubre ng empleyado na si Rowena Agbuya, ganap na alas-10 ng umaga.

Dumating umano si Agbuya at binuksan ang shop kung saan niya nakita ang butas ng sahig.

Nang makapasok ang mga suspect sa shop ay sinira ng mga ito ang vault kung saan naka­lagay ang nasabing pera.

Natagpuan din sa loob ng shop na naiwan ng mga suspect ang da­lawang hydraulic jacks.

Sa kasalukuyan, tiniyak ni Montejo na pa­tuloy ang imbestigasyon, ka­bilang ang ugat kung saan nagsimula ang paghu­hukay ng tunnel.

ARANETA CENTER

CUBAO

CUBAO POLICE STATION

EMERALD MONEY CHANGER

MONTEJO

OPULENT BUILDING

QUEZON CITY

RANIE CARLOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with