^

Metro

Preso nagbigti dahil sa TB

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bilanggo ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa hindi makayanang sakit na tuberculosis, kamakalawa sa loob sa Pasay City Jail.

Sa report na nakara­ting kahapon sa Pasay City Po­lice kinilala ang nasawi na si Maximo Layoso, 53, re­­sidente ng Block 7 Lot 11, Santol St., Barrio Santo  Niño, Pasay City na nakulong  dahil sa kasong droga.

Dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kapwa inmates ang biktima na nakabigti gamit ang isang tali ng sapatos na ipinulupot sa kanyang leeg at ang dulo ay isinabit sa isang pako na nasa ibabaw ng kanyang higaan.

Ayon sa ulat, nabatid na  noong Disyembre 2012 nakulong si Layoso matapos maaresto sa pagbebenta umano ng illegal na droga.

Napag-alaman na nagkaroon ng sakit na tuberculosis si Layoso sa loob ng bilangguan kaya’t kinaila­ ngan siyang dalhin sa infirmary cell na nasa ikatlong palapag ng PCJ kung saan nababantayan ang kalaga­ yan ng kanyang kalusugan.

Bukod sa marka sa leeg, wala ng iba pang sugat  na nakita sa iba pang parte ng katawan ang biktima.

Tumanggi naman ang mga kapatid ni Layoso na isailalim pa sa autopsiya ang bangkay sa paniwalang winakasan talaga ng biktima ang kanyang buhay dahil hirap na hirap na ito sa pag­hinga sanhi ng tinataglay na sakit.

 

BARRIO SANTO

LAYOSO

MAXIMO LAYOSO

PASAY CITY

PASAY CITY JAIL

PASAY CITY PO

SANTOL ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with