^

Metro

Factory ng muebles nasunog: P10A-M halaga ng ari-arian naabo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng malakas na pagbuhos ng ulan ang apoy na lumamon sa isang warehouse na pagawaan ng muebles sa Quezon City na tumupok sa ti­na­tayang aabot sa P10 mil­yong halaga ng ari-arian kahapon, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon kay SFO1 Ro­sendo Cabillan ng Quezon City Fire Station, ang nasunog na gu­sali ay ang Regio Mer­chandize na matatagpuan sa  54 Cristopher St., corner King Edward St., Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.

Ang nasabing pagawaan ay pag-aari ng isang Si­meon Regio.

Nagsimula ang apoy sa working area ng shop, partikular sa ground floor kung saan bigla na lamang umanong may magliyab sa loob nito, ganap na ala-1:09 ng hapon.

Samantala, dalawa ka­tao ang iniulat na nasugatan matapos na madilaan ng apoy habang tumutulong sa pag-apula ng apoy. Sila ay kinilalang sina Carlos Mactay, at Eddie Paragas, kapwa nagtamo ng 1st degree burns.

Dahil pawang mga kahoy ang nakaimbak sa ground floor, bukod pa ang mga kemikal na ginagamit ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin ang buong establisyemento.

Umabot naman sa ika-apat na alarma bago tulu­yang naapula ang apoy, ganap na alas-2:13 ng hapon.

Inaalam pa ng pamatay sunog ang ugat ng nasabing sunog.

 

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CARLOS MACTAY

CRISTOPHER ST.

EDDIE PARAGAS

KING EDWARD ST.

KINGSPOINT SUBDIVISION

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with