^

Metro

Mga paaralan ininspeksiyon Maynila handa na sa pagbubukas ng klase

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng  pamahalaang lungsod ng Maynila na handa na sila sa pagbubukas ng  klase sa Hunyo 3 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng libong mga estudyante sa iba’t ibang paaralan.

Ayon kay Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman, nagsagawa na sila ng  inspeksiyon sa mga school building sa lungsod. Umaabot sa 32 public elementary schools at 71  public high school  mayroon  sa  Maynila.

Sinabi ni de Guzman na maging ang mga canteen, palikuran at seguridad ay tiniyak din na maayos at sapat bilang tugon sa dadagsang  mga estudyante.

Nabatid din kay de Guzman na sapat ang classroom sa  mga paaralan sa  lungsod kung kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga magulang at estudyante partikular na ang mga bagong lipat at pasok.

Bagama’t may mga ilang bagay umano ang hindi maiiwasan sa unang araw ng  klase, pinayuhan naman ni  de Guzman ang mga magulang na magtanong at habaan ang pasensiya upang maiwasan ang anumang gulo.

Kailangan din aniyang la­ging handang sumagot ang  mga guro upang mapaliwanag sa mga magulang  ang  anumang sitwasyon.

Samantala, naniniwala din si de Guzman sa  tama lamang na ipatupad ang   Philippine Standard Time (PST) lalo na sa pagbubukas ng  klase. Aniya, mas mainam na pare-pareho  ang mga oras ng mga ahensiya ng pamahalaan  upang maiwasan ang anumang anomalya at  maibigay ang maayos na serbisyo sa publiko.

Ayon kay de Guzman, matapos na lagdaan ni Pa­ngulong Aquino ang batas agad ding tumalima ang city government.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CHIEF OF STAFF

GUZMAN

MAYNILA

MEDIA INFORMATION BUREAU

PHILIPPINE STANDARD TIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with