^

Metro

Ret. PCG member, binistay ng bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may posibilidad ang nababalitaang planong pagtakbo bilang barangay chairman sa darating na Oktubre ang dahilan ng pamamaslang sa isang retiradong miyembro ng Philippine Coast Guard na binistay ng bala sa harapan ng kanyang bahay, sa Baseco, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.        

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si  Domingo Ramirez Jr.,  51 anyos, residente ng Row 2, Unit 910,  Block 6, Habitat, Baseco Compound, Port Area, Maynila, na isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) subalit idineklarang dead-on-arrival.

Ayon kay SPO1 Milbert Balinggan,ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 4:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Habang nakaupo umano ang biktima ay sinorpresa ito ng isang lalaking armado ng kalibre .45  baril at sunod-sunod na putok ang umalingawngaw.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Universal Funeral Homes para sa awtopsiya.

Patuloy naman  inaalam ng pulisya ang nasa likod ng pagpaslang sa biktima at kung ano ang motibo.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

DOMINGO RAMIREZ JR.

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

PHILIPPINE COAST GUARD

PORT AREA

UNIVERSAL FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with