Napagkamalang police informer: Bading itinumba sa inuman
MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang 38-anyos na bading na sinasabing napagkamalang police informer laban sa mga tulak ng iligal na droga sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni SPO1 John Charles Duran ng MPD-HoÂmicide Section ang biktimang si Gilbert Sison, alyas “AshleyÂâ€, ng Int.15 Ma. Guizon St., Tondo, Maynila na nagtamo ng dalawang tama ng kalibre .45 baril sa ulo na agÂad na binawian ng buhay.
Naganap umano ang insidente dakong alas-2:50 ng madalling-araw habang naÂkikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa lugar.
Sinabi ng isang Christopher Rivera, kaibigan ng nasawi, dumating ang lalaking may dalang baril habang nag-iinuman sila sa riles ng Philippine National Railways (PNR) at agad daw pinapuÂtukan ang biktima kaya sila nagsitakbuhan ng kani-kaÂniya.
Base sa nakarating na imÂpormasyon sa pulisya, posible umanong napagkamalan ang biktima na nagbibiÂgay ng impormasyon kaugÂnay sa talamak na bentahan ng droga sa lugar na naging dahilan para maaresto ang hinihinalang nagtutulak ng droga sa bahagi ng Dagupan, sa Tondo.
Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ang na turang insidente.
- Latest