2 PSG tiklo sa holdap
MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ele mento ng Quezon City Police District-Station 5 ang dalawa sa limang umano’y miyembro ng Presidential SeÂcurity Group (PSG) na nangholdap sa isang car shop sa kahabaan ng MinÂdanao Avenue extension Brgy. Lagro Quezon City kahapon ng ala- 1 ng madaÂling araw.
Ayon kay QCPD -Station 5 Commander Supt. Elizar Mata iginapos pa ng mga suspek na kinilalang sina Cpl. Bobby Cepe Ates at Sgt. Marvin Gamba Gaton ang guwardiya ng Streamline Auto Salon at kinurÂyente ang may-ari nito na si RiÂchard Tubig nang hindi mapagbuksan ang vault na naglalaman ng pera.
Sa paunang imbestigasÂyon nagresponde ang mga awtoridad matapos na itawag ng manager ng Rios Resto bar, katabing esta blisimento ng car shop ang umanoy kahina-hinalang kilos ng mga kalalakihang sakay ng nakaparadang kulay gray na Mitsubishi Montero (MYK 456) sa tapat ng car shop.
Nang magresponde ang mga pulis, nagawa namang makatakas ng tatlo pang sus pek na sinasabing taÂngay ang isang laptop at iphone sa car shop. NaÂdakip naman ang dalawa sa mga ito.
Narekober ng mga pulis mula sa sasakyan ng mga suspek ang mga high poÂwered firearm na kinabibilangan ng isang M-16 armaÂlite rifle, Colt 45 caliber, 9mm US compact at mga bala.
Samantala, tiniyak ng Malacañang na makikipagtulungan ang PSG sa Quezon City police kaugnay sa naturang kaso.
“The PSG is fully cooÂperating with the QCPD regarding the investigation. If after investigation the evidence warrants charÂges, then the two will have to face them. The PSG does not condone wrong doing,†ayon kay Deputy Presidential SpokesÂper son AbiÂgail Valte.
Nilinaw din ni Valte na ang nahuling 2 PSG ay hindi close-in security ng PanguÂlong Aquino kundi parte lamang ng manpower force ng PSG.
- Latest