Lady bank exec todas sa ambush
MANILA, Philippines - Isang 51-anyos na maÂÂÂnager ng isang banko ang binaril at napatay ng riding-in-tandem habang nagmamaÂneho ng kaniyang SUV sa tapat mismo ng National Bureau of Investigation (NBI) headquarters sa Taft AveÂnue, Ermita, MayÂnila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Rosemarie Gatan, re sidente ng V. G. Cruz St., SamÂpaloc, Maynila at branch manager ng Bank of the PhiÂlippine Islands (BPI) sa Padre Faura, ErÂmita, Maynila.
Ayon sa imbestigas yon ni PO3 Rommel del RoÂsaÂrio, ng Manila Police DisÂtrict-Homicide Section, daÂÂkong alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang insiÂdente sa southbound ng Taft Avenue kung saan rumampa pa sa island ang minamanehong Mazda (PBQ-172) na kulay silver ng biktima.
Sa imbestigasyon, siÂnaÂÂbayan ng riding in tandem ang pagbaybay ni Gatan sa southbound lane ng Taft Avenue at pagtapat sa Cosmopolitan church ay binaril ito ng isa sa dalawang suspect. Nagawa pang magmaneho hanggang sa bumangga na sa kilometer post sa tapat ng Pearl Orient Hotel sa harap lamang ng NBI ang sasakÂyan ng biktima.
Nakalagpas na umano sa pinapasukang banko ang biktima dahil sa pangyayari at nabalitaan ng mga kasamahan sa BPI ang nasabing ambush nang magtungo sa kanilang banko ang mga empleyado ng Land Bank na nag-usyoso sa insi dente
Nabatid na kahit maraming dalang tseke sa bag ang biktima, gayunman walang nagalaw o intact ito maging ang personal na pera at mga kagamitan.
Wala pang motibong maÂkita ang pulisya, bagaÂmat pag-aaralan kung may kinalaman ang insiÂdente sa kaniyang tra baho o tiÂnangkang agawan ito ng sasakyan.
- Latest