Pekeng multivitamins nakumpiska
MANILA, Philippines - Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port ang mga pekeng multivitamins na nagkaÂkahalaga ng P25 milyon.
Ayon kay Commissioner Ruffy Biazon, galing Korea ang mga pekeng gamot na kinabibilangan ng MultiÂvitamins, Ibuprofen, Amoxycillin at iba pa.
Nakalagay sa isang 40 footer container van ang kontrabando at naka-consign sa Mountain Glory Agri Sales Corporation na ayon sa BOC ay walang accreditation sa Foods and Drugs Administration.
Napag-alaman pa na walang lisensiyang mag-operate at mag-import ng gamot ang nasabing kompanya.
Nahaharap ang may-ari nito sa kasong paglabag sa intellectual property rights law at food and drugs administration law.
- Latest